Ang Dhikr sa Buwan ng Safar
Ayon kay Qutb Mawlana Shaykhul Islam Muhammad Adil Rabbani qaddasallahu sirrahu:
HUWAG MATAKOT SA SAFAR UL-KHAYR
Minsan ang buwan ng Safar ay mabigat para sa mga tao. Kaya't mahalaga ang sadaqah. Ang sadaqah ay pumipigil sa mga aksidente at pagsubok, at nagpapahaba ng buhay. Ang pagbibigay nito sa lahat ng bagay, sa bawat paghihirap, ay nagpapadali ng mga bagay. Pinoprotektahan din nito laban sa kasamaan. Pinoprotektahan nito laban sa lahat ng hindi maganda. Sa buwan ng Safar na ito, ang mga tao ay dapat magbigay ng sadaqah araw-araw, magbalik-loob at humingi ng kapatawaran. Dapat nilang idalangin kay Allāh جل جلاله upang sila'y pag-ingatan ni Allāh جل جلاله.
Araw-araw na Wazifah sa Safar
3 Kalimatu sh-Shahādah
300 Astaghfiru Llāh
7 Sūratu l-Fīl
7 Āyatu l-Kursī
Magbigay ng Sadaqah araw-araw na may intensyon na alisin ang mga pagsubok.
Kapag lalabas ng bahay, ilagay nang maayos ang sadaqah sa kahon. Pagkatapos ay maaari itong ipamahagi sa mga mahihirap at nangangailangan. Marami ang nagangailangan. Inshallah, magtatapos ng maayos ang buwang ito at makararating tayo sa buwan ng Mawlid, Insha Allah. Gagawin din natin ang mga Mawlid, Inshallah.
Ang mga tao ay natatakot sa buwan ng Safar. Wala namang dapat katakutan. Magbigay ng sadaqah at magbalik-loob. Gawin ang iyong mga pang-araw-araw na tungkulin. Ang tungkulin ng buwan ng Safar ay iba. Nailathala na nila iyon. Pagkatapos gawin ito, magtiwala kay Allāh جل جلاله. Pagkatapos, gawin ang lahat ng bagay. Huwag matakot, sa permiso ni Allāh.
Comments
Post a Comment